Trust Your Pen and Doodle!

Trust Your Pen and Doodle!

Permalink

“Korean Visit” visit with trolling.

kanina nagpunta ako ng FEU to have a shoot for the audio visual presentation na pinapagawa sakin for the college freshmen career orientation. I was expected to be there at 9 pero nagpunta ako ng 1pm. (what a courtesy!)

Eh nung pagdating ko ng 1pm sumakto na kakatapos lang ng breaktime ng mga koreans at mga schoolmates ko and they are ready to go for another venue. So I joined them, skipping the event of an AVP for a chance to interact with the koreans.

nagpunta kami sa isang elementary school wherein we were tasked to paint the walls of the school. mga 100 koreans ata ung mga nagpintura kasama ung mga schoolmates ko who were volunteers for the event. Ayun. I decided to include this event to the AVP nalang as a part of the service ng school. It was fun and tiring. In a way na tiring dahil halos mamilipit na dila ko sa kakaenglish.


(yeah, it was a photo I took earlier with my schoolmates. sayang wala akong kuha na kasama ako. pero Ice lang. :))

It was worth it. Some koreans were expecting for me to go and visit the “Korean Visit”  tomorrow. Dahil alam naman ata nila na singit ang ako sa event. Pero bahala na.

In the end, ang nakakatawang part is nantroll ako while on the bus. I was on the side of the bus na may salamin and everyone from the outside were glancing at the windows of the bus. I am the only pinoy na nasa side ng mga salamin. Kaya ang ginawa ko is I get a sheet of paper and a marker. And I put there “korean din ako”, tapos I was holding the paper while facing the window (nakakahiya pero nakakatawa swear) and everyone outside had that smile na sa row na puro koreans, meron isang part dun na may pinoy na may nakahawak na signage na “KOREAN DIN AKO”.

Nakakahiya man, but it was worth it. 

(Source: dhel)

Permalink

Video Shoot for the School’s AVP.

I had the opportunity to be one of the videographers for the FEU-EAC’s AVP for the Student Organizations. Well, It’s a very tiring shoot but I had a lot of fun while doing it. We don’t have much BTS for the shoot due to being pre occupied by the number of student organizations that we need to shoot but I have seen some shots taken by my teammates during the whole shoot. :) It was so funny that I get to photobomb some of my teammates’ shots. :)) LALALALALALA~

And I myself were one of the student leaders who will be featured on the AVP as the new president for the School’s IT Organization along with my officers and directors. Yey!

(Source: dhel)

Permalink
Nangiinggit si Mama :(Maaaa Punta na ako dyan sa Japan please? Hahaha. I wanna see those too. 

Nangiinggit si Mama :(
Maaaa Punta na ako dyan sa Japan please? Hahaha. I wanna see those too. 

Permalink

Malapit na…

matapos ang mga pinagdadaanan ko. Lalo na sa studies. Grabe, tama nga sila na habang tumataas ang antas ng pagaaral mo, eh mas marami ka nang ginagawa. Ito ako ngayon, busy sa paggawa ng Thesis namin which was a website for a studio.

I was tasked to do the overall design at konting validations dun sa website. Kaya medio matrabaho at dapat kong mahalin ang CSS which was sometimes nakakadrain na. 2 weeks nalang at defense na namin and I need all the luck I need for the odds to be on our side.

Bukod dyan eh busy din ako sa paggawa ng mga Flash Games at sa paggawa ng corporate designs para sa vector subject namin. Kanina, ito yung midterm exam ko na pinagawa ng prof namin.

Ung ginawa ko was inspired by my previous work, so hindi ako gaano nahirapan sa paghanap ng concept. :) Hopefully, at the end of the term, mamaster ko na ung paggamit ng Adobe Illustrator at pumasa kami sa thesis.

Goodluck sakin.

(Source: dhel)

Permalink

Inactive Shit.

It’s been weeks. Well, what do you expect? Ilang araw na din akong kapos sa tulog at ilang araw na din akong nalilipasan ng gutom. Pero go parin ako. Wala naman kasi akong magagawa, kailangang magtiis tiis sa pag gawa ng thesis. :)

Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko, I really make sure that I eat a lot of food kapag nasa skwelahan ako at tinutulugan ko naman madalas ung mga propesor ko. Kaya ayun. Medio may pahinga parin pala. :)) Hopefully bumalik din ang lahat sa dati, na may sapat akong tulog o nasa tamang oras ang pagkain. :) Pero mangyyari nlang siguro yun pag nasa internship na ako. :) 

Permalink

Uncomfortable. 2.0

Tamo ako, Para akong merong regla. Hindi nanaman ako makausap ng mahinahon ng mga kasama ko. Nakaserious mode nanaman ako. No “Haha” or smileys on my conversations. Na parang boring na boring akong makipagusap. Siguro kakausapin ko nalang sila bukas ng masinsinan.

May mga pagkakataon talagang ganito ako sa kanila. Cold. Hindi makausap ng maayos. Introvert. Na parang ako na din ata ang gumagawa ng space sa pagitan nila at pagitan ko. Well, hindi ko alam kung bakit may mga pagkakataon na ganun ako.

Natanong ako ng isa sa kanila kahapon kung ano daw ba ang problema. Wala akong nasagot. Kasi ayokong dun namin pagusapan ang mga bagay na dapat pinaguusapan nyo ng masinsinan. Hindi ko din naman kasi hahayaan ang sarili ko na dun nalang magexplain diba. Pero ewan ko. Nagiinarte lang siguro talaga ako.

I’m everyone’s little devil. Ayan ang sinabi ko sa isang comment sa isang status ng kaibigan ko. I do annoy everyone pag may klase. Kaya kadalasan ang klase namin ang noisiest class. Pwera nalang pag hindi ako nahuhuli ng prof ko na natutulog. Pero no biggie. Alam kong I’m that devil na hindi mo madaling maawat. At sa tingin ko kaya ko din namang kontrolin ang sarili ko.

(Source: dhel)

Permalink
I’m currently creating a design for one of the professors in our department. Actually, shirt design talaga ang pinagagawa nya but I ended up creating a character for him. Yung character na ginagawa ko will also be used for his shirt design. And I’m planning to put up icons which are related to IT para maging maayos ung design.Nasasanay na ako ng onti sa AI. And it turns out na mas ginagamit ko pa sya ngayon kesa sa photoshop. And yes. Hanggang ngayon, hindi ko parin tapos ung mga modules na ituturo ko para sa seminar namin sa Wednesday. Well, hello Dhel. Dami mo pang gagawin.

I’m currently creating a design for one of the professors in our department. Actually, shirt design talaga ang pinagagawa nya but I ended up creating a character for him. Yung character na ginagawa ko will also be used for his shirt design. And I’m planning to put up icons which are related to IT para maging maayos ung design.

Nasasanay na ako ng onti sa AI. And it turns out na mas ginagamit ko pa sya ngayon kesa sa photoshop. And yes. Hanggang ngayon, hindi ko parin tapos ung mga modules na ituturo ko para sa seminar namin sa Wednesday. Well, hello Dhel. Dami mo pang gagawin.

Permalink

Uncomfortable.

Hindi ko alam kung anong meron ngayon at medio nagiging Uncomfortable ang lahat sa pagitan ko at ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit may mga times na ayaw ko silang makausap o makahalubilo ng MATINO.

Kanina hindi ko alam kung bakit may parang pader na nilagay ako sa pagitan ko at ng dalawa sa mga kaibigan ko. Na parang ayaw ko munang magbigay ng mga personal na saloobin sa kanila o nang kahit anong hindi school related problems sa kanila. All that I want to do kanina is to focus on watching a tv series na ginawa kong dahilan to distract myself from them.

Naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga ginawa ko kanina. Hindi ako galit sa kanila o hindi ako nagdaramdam pero hindi ko alam bakit ganun ang ginawa ko. Am I emotionally distressed? Or may mga bagay lang akong hindi ko maintindihan about them. I feel uncomfortable kanina lalo na pag lalapit sila sakin. At ang masama pa dun. Sila pa ang tinuturing kong pinakamalapit sakin sa mga kaibigan ko sa school. Sana maging okay na ang lahat. Kasi ayoko din namang naiilang ako sa kanila lalo na’t sila ang mga matatalik kong kaibigan. Hindi ko tuloy masabi sa kanila ang mga problema ko dahil parang may kung anong pwersang naguudyok saking dumistansya ng onti sa kanila.

Nakakastress akong maging kaibigan no? Naiistress na din ako sa sarili ko. ~____~ Hopefully, in the end, maging okay na ang lahat. Ang bigat din kasi sa pakiramdam eh.

(Source: dhel)