Trust Your Pen and Doodle!

Permalink

Blanko nanaman ba blog post mo?


Ganyan ako kadalasan sa tuwing magoopen ako ng bagong text post dito. Minsan talaga, nabablanko ako sa pagsusulat ng kung ano bang experience ang dapat kong isulat. at nung naisip ko ito, isa rin palang experience ang pagboblog.

Teka, ano ba talaga ang blogging? Ayon sa Codex, “Blog is an abbreviated version of “weblog,” which is a term used to describe web sites that maintain an ongoing chronicle of information. A blog features diary-type commentary and links to articles on other Web sites, usually presented as a list of entries in reverse chronological order. Blogs range from the personal to the political, and can focus on one narrow subject or a whole range of subjects.” Ayan ang sinasabing ibig sabihin ng blogging. Ang pagboblog ay kadalasang ginagawa sa mga blogging sites tulad ng blogger, wordpress at dito sa tumblr. Pero meron pang iba di ko lang talaga binanggit kasi tinatamad ako. Hahaha. kung tutuusin, masayang magblog, kasi nasasabi mo ang mga karanasan mo, buhay mo, mga nalalaman mo, mga nagagawa mo, pati kung paano mo pinapaliguan ang aso mo, pwede mong iblog. Uso din ang mga photoblog at vlog (video blog). Kadalasan, mas marami talaga ang bloggers na nagboblog sa text format.

Katulad nyan, sa bawat basa mo ng mga blogpost(Kung binabasa mo nga), ay nakakasama ka na sa mga karanasan o mga impormasyon na nababasa mo. At minsan e may nadadagdag pa na kaalaman sa utak mo na minsan lumalabas sa surprise quiz ng teacher mo! Oha? Hahaha. Pero ngayon, wala pa namang lumalabas sa surprise quiz ng mga prof ko. Sayang naman.

Bagamat magandang medium ang blogging, meron mga umaabuso nito. Tulad ng mga taong ginagawang medium ang blogging para siraan ang isang grupo o indibidwal. Well, wala namang masamang magkomentaryo kung ganun ang punto nila, Pero meron mga blogger na kulang na lang ay gawan nila ng Sex Scandal ang sinisiraan nila, mayurakan lang ang pagkatao nun.

Meron din naman akong mga napapansing mga kakaibang blog, tulad ng mga ito:

  • The Twitter Blog - Yung puro mga status messages lang ang nakalagay. Kung hindi nya sasabihing kakain na sya e magoout na sya.
  • Yung mga ‘Sirain natin ang pagkatao mo’ Blog - Ito naman ang mga taong walang ibang gawin kundi sabihin ang parinig sa ibang blogger/personalidad.
  • Ask me, I’m google Blog - Yung mga blog ito na kapag tinanong sila ng mga readers nila tulad ng “Sino ang presidente ng Pilipinas” o “Paano magkaroon ng Glitters ang Page” e agad agad sasagutin na pwede namang isearch nalang sa google. Oo nga informative nga ang blog na iyon, kaso informative na in a way na pwede ka nang gawing Answer Sheet sa isang exam dahil sa kakasagot sa mga TAONG NAGTATANONG NA KAYA NAMAN IGOOGLE ANG SAGOT.

Wala naman akong sinabing masama sa blog na mga ganun, pero kakaiba lang. Kakaiba lang talaga. Di ko din maisip na blog ang mga blogsites dito sa tumblr na puro lang reblog. Hindi ko alam ha. Kasi parang hindi mo naman nasashare ang sarili mo sa pagrerbelog. As in puro reblog lang ah. Pero para lang sakin yun.

Pero ano ba guys. Sabi nga diba. “walang basagan ng trip!” kaya ayun. Mas mabuti nang wag nalang natin sila pakelaman, kasi iba iba naman tayo ng approach sa pagboblog. Nasa mambabasa mo na yun. Kung ano ba talaga para sa kanila ang blog at kung icoconsider nilang Blog ang blog mo.

Wag nyo nga akong pakelaman! Blog ko to eh! Hahahahaha. Adik po ako. 

(via dhel)

Permalink

Paano ba babasahin ng mga tao sa Tumblr ang mga Blog Post mo?

Isa sa pinakaproblema ng mga “bloggers” ngayon ay ang mga readers. Kung napapansin nyo. Aminin na natin, pag kagaguhan ang pinopost, eh sagad tayong makalike dito sa tumblr. At kadalasan ay hindi natin napapansin yung mga mahahabang post na karamihan satin eh TINATAMAD basahin. Kung sabagay ano bang expect natin, micro blogging site lang ang tumblr. Hindi sya yung katulad ng sa wordpress o blogspot. Pero paano ba natin mahahatak ang mga followers natin na basahin ang blog post mo? may mga maipapayo akong iba’t ibang techniques para sa inyo:

  • Gawing interesante sa Title palang. Isa sa pinakamalaking panhatak ng mambabasa ang Title ng blogpost. Syempre dito makikita ng mambabasa kung ano ba ang meron sa sinulat mo. Kung sa title palang ay mababagot sila, Malaki ang chance na di nila basahin ang Blog post mo.
  • Samahan ng mga images ang post mo. Applicable to lalo na kung tungkol sa nangyari sayo ang binoblog mo. Effective sa mga readers ang may nakikita silang Visual Aids. Napansin ko na mas binabasa ng mga readers ang mga post na may mga pictures kesa sa plain na blogpost lang. Kaya ayun. Mas effective kung lalagyan mo ng images.
  • Create a Writing Style. Magisip ka ng style na matatandaan ng readers mo na ganun ka bilang writer. Kadalasan, dinadagdagan nila ng humor ang mga sinusulat nila para mas binabasa ng readers yun. At kung patuloy mong lalagyan ng ganun eh nagkakaroon na ng style ang pagsusulat mo. 
  • Kung kaya, Wag masyadong habaan ang mga blogpost mo. TAMAD ANG MGA TAO SA TUMBLR. Sa totoo lang, mas gugustuhin nila ang mas maikling magbasa. lol. Kaya hangga’t maari. Iklian ang blog post. mga 3-4 paragraphs okay na. Kung mahaba man. Lagyan mo nalang ng “Read More” na link. Kasi kung makikita nila na mahabang mahaba yan. eh tatamarin talaga ang mga readers mo.

Kaya ayan lamang ang mapapayo ko. Marami pang techniques pero hindi ko na palalawakin pa. Subukan nyo yang mga yan :) Sana lang talaga maraming taga tumblr ang makaappreciate ng mahahabang post. Marami ka rin kasing mapupulot na kaalaman sa mga post nila. Mapa-tips man yan. Experience. o simpleng narration lang. :)

(Source: dhel)

Permalink

Anong dapat mong gawin ngayong College Student kana?

Unang una sa lahat. Gusto kong magsabi ng Congrats dahil tapos na ang maliligayang araw mo bilang high school student dahil ngayon palang nagsisimula ang paghakbang mo sa mundo bilang college student. Dahil kung alam mo lang kung gaano mo isusubsob ang sarili mo sa pagaaral eh mas pipiliin mo nalang na maghighschool. Except kung pagdating ng college eh sisirain mo ang buhay mo.

College. Isang lugar na maraming pinto. Dito mo pipiliin ang takbo ng buhay mo at kung anong mangyayari sayo. Pwede mong pagpatuloy, at pwede ding dun ka sa Fire Exit dumaan at alisin sa sarili mo ang realidad na kailangan mo ito. Pero para dun sa mga pipili na magpatuloy sa college. May mga gusto lang akong tandaan ninyo.

  • Alamin nyo muna ang gusto nyong kurso. Well. Maraming ganyang tao, mga nagsasabi na ito na daw ang gusto nila pero after a year eh magshishift ng course. Meron din namang napilitan lang sa kinuhang kurso. At meron namang Wala lang maisip na kurso kaya ayun ang kinuha. Dapat pagisipan nyo muna ang pagpili ng kurso. Dahil kung hindi mo gusto ang kurso mo, malaki ang posibilidad na hindi ka magiging successful sa college life mo. pero may paraan pa naman. At yun eh tanggapin ang napili mong kurso.
  • Kilalanin mo ang mga kaibigan mo. Sa kolehiyo. Isa ito sa pinakamalaking parte na magbibigay sayo ng strive para magpatuloy. mga kaibigan. Oo. Malaking impluwensya ang mga kaibigan. Lalo na kapag alam mong hindi mo alam ang gagawin mo. Kaya kung gusto mong maging maayos ang college life mo. Eh mamili ka ng kaibigang alam mong maasahan mo. Tandaan, Kung may plastik sa highschool friends mo. Magsasawa ka sa DAMI nun sa college life mo.
  • Hinay hinay lang sa mga unang try. Marami kang mararanasan sa college. Maraming first time. Pero kailangan mo lang kontrolin ang sarili mo. Walang masamang sumubok basta alam mong handa ka at alam mo ang limitasyon mo. Marami akong pinatutunguhan sa sinasabi ko pero dapat alam mo kung hanggang saan ka lang at kung paano ito makakaapekto sa iyo.
  • Time Management. Kung nabababudget mo dati ang oras mo nung highschool, eh mas kailangan mo ito ngayon. Mahirap ang college. Kahit na gusto mo ang kurso mo at gusto mo ang ginagawa mo, andyan pa rin ang pressure at ang mga requirements na kailangan mong gawin. Kailangan mo lang imanage lahat at piliin ang mga priorities mo. Dapat alam mo kung kailan mo gagawin ang mga bagay para madali mo silang matapos. Dahil mahirap na sa college. Walang konsiderasyon ang ibang prof. at hindi mo magugustuhan yun.
  • Professors, masarap kaibiganin, mahirap awayin. Iyan ang isa sa mga problema ko. may mga times na maiinis kayo sa prof nyo (i mean palagi pala) pero dapat mo silang pagpasensyahan. Tandaan mo, sila ang nagbibigay ng grado sayo at sa kanila nakasalalay ang kinabukasan mo. Ayun. Pakibagayn mo sila. Kasi malaki ang parte nila sa buong college life mo.

Marami pa to, pero alam mong dapat mong isipin na lahat ay matutunan mo in time. Next time susubukan ko namang sulat kung anong dapat nyong gawin sa unang linggo nyo sa college. Kaya tandaan, Nasasayo nakasalalay ang buhay mo sa kolehiyo. Gabay lang tong ginagawa ko. K. K?

(Source: dhel)

Permalink

Marami pa rin ang naniniwala sa pamahiin ng Pinoy.

Madalas. Kapag kasama mo ang mga matatanda(at mga batang may alam sa pamahiin) eh ang dami daming bawal. Bawal ganito bawal ganyan. Kadalasan ang dami dami ding orasyon. Grabe. Hindi mo na alam tuloy kung ano ba ang tama. So dito natin ilista ang mga pamahiing lagi nalang natin naririnig sa kanila.

  • Bawal maggupit ng kuko sa gabi - Hindi ko alam kung bakit bawal pero madalas, naggugupit ako ng kuko sa gabi. Lol.
  • Mga nunal. At kung anong epekto nila sa inyo - Pag daw malapit sa bibig, madaldal, pag naman malapit sa mata, malinaw mata, pag sa tenga, malakas pandinig, pag sa ilong, maganda pangamoy. Teka, hindi ko alam kung bakit nila naisip to. So kapag may nunal ako sa Siko e magaling na akong maniko? Haha.
  • Bawal daw magwalis sa gabi, mamalasin. - Anong gagawin natin pag marumi ang bahay, papagpa bukas pa ba?
  • Huwag daw matutulog nang basa ang buhok - Hindi ko alam kung anong meron pero naliligo ako bago matulog.
  • Bawal upuan ang unan, magkakapigsa - Hindi pa ako nagkakapigsa sa pwet kaya hindi ko pa mapatunayan kung magkatotoo. :| Haha. Wala pa rin naman nakakapagsabi sa siyensya na totoo ito kaya ayun.
  • Yung mga nahuhulog na kubyertos na kunektado sa bisita - Kapag daw kutsara, may darating na babae, at pag tinidor eh lalaki. So wait. Kapag nakalaglag ng kutsilyo eh? Bisexual?
  • Huwag daw mangalumbaba pag kumakain - Hindi ko alam kung paano kang hindi mangangalumbaba kung wala kayong ulam parati.
  • Bawal magsabi ng salitang “MASIKIP” pag gabi - Malas din daw, eh grabe kaya magkakatabi kayo sa kama e no. TAPOS ANG LIIT NG KAMA. Subukan mong hindi sabihin to ewan ko lang.
  • Kapag nakalunok ka ng buto ng halaman, tutubo daw un sa tyan - Hindi ba nadidigest ung buto? Kaya pala si Dennis ng Ghost Fighter eh may rosas lagi sa buhok. Siguro nakalunok sya ng buto ng Roses. LOLWHUT(meron ba?)
  • Wag daw maliligo after 3:00pm pag Good Friday - Gaaaah. Dugo na daw after. Soooo. Chance na ng mga bampira yun. Trololol.
  • Wag ka daw hahakbang sa gitna ng nakahigang tao, hindi na daw tatangkad. - Kaya pala hindi ako tumangkad.

Kaya ayan. Nilista ko. Alam kong marami pa. Marahil eh matatalo na nito ang bagong volume ng Webster’s Dictionary. Pero hindi mo ba naisip. Kultura na ng pinoy ang mga pamahiin at kasabihan. Hindi ka man maniwala, eh patuloy paring naniniwala ang mga nakakatanda satin dahil nakagisnan na nila yun. Sana lang ay wag mawala ang mga pamahiin na ito. Dahil bukod sa nakakatuwa eh naipapasa pa natin ang mga bagay na naipamana satin sa mga anak natin, at sa susunod pang henerasyon.

(Source: dhel)

Permalink

Paano kung ganito ang Sitwasyon ng Lovelife mo?

Ngayong araw, nakaexperience ako ng dalawang magkaibang sitwasyon ng Relationship Issues. Sa dalawang magkaibang tao at magkaibang Sitwasyon. Nakakagulat dahil napakalaking parte ng araw ko ngayon ang dalawang ikukwento ko ngayong gabi.

Una, Kung hindi mo na mahal ang gf/bf mo ngayon. Ano ba talagang magandang Rason para makipagbreak? Nakakatawa kung bakit hindi madiredirecho ng iba ang mga bagay na dapat ay may direchong sagot. Naranasan ko ngayong magcomfort ng isang kaibigang kinaliwa ng kanyang karelasyon. At hindi lang yun, nagulat pa kami ng nakita namin yung kanyang ngayo’y “ex” kanina sa mall. At may kasamang ibang babae. Syempre, kung hindi mo na gusto ang isang tao. Wag nyo nang lokohin ang sarili nyo. Kasi dahil sa ginagawa nyo na iyon. Napapaasa nyo lang ang tao na yun na sa tingin ko eh may mas deserving pa para sa kanya. Kung hindi mo na mahal ang tao. Wag mo nang gawing tanga ang tao na nagbibigay sayo ng pagmamahal tapos hindi mo naman kayang ibalik yung pagmamahal na binibigay nya. Syempre kung ikaw ang nasa sitwasyon nya. Hindi ka ba masasaktan. Minsan, ang sulusyon sa buhay eh sabihin na ng direcha. Kesa paligoy ligoy pa.

Pangalawa, malaki na ang nagiging epekto ng tumblr sa ngayon. Hindi man makita ng iba pero may mga bagay na nabubuo at nawawala dahil sa tumblr. Para saakin, natuto na akong maging hindi gaanong attached sa tumblr. Marami na din kasi akong nasakripisyo dahil dito. Yung mga crush crush sa tumblr. Minsan hindi natin dapat iniisip at sineseryoso ang mga ganun. Dahil paghanga lang naman. Kung may tiwala tayo sa kasama natin sa buhay. Tiwala. Ayan ang mapanghahawakan mo sa isang tao para makasiguro kang totoo nga sayo yan. MapaGF/BF pa yan, mapa kaibigan. Kung may tiwala ka sa kanila. Eh alam mong hindi matatalo ng kahit anong mga negatibong pagiisip ang nabuo mong tiwala sa kanila. Anurin ka man ng tsunami (Wag naman), Kainin ka man ng Gutom na Cyclops, O kantahan ka man ng My Way, kung may tiwala ka sa taong iyon, Eh alam mong hindi ka nya pababayaan. Pero magingat ka sa pagtitiwala. I mean pagdating sa kaibigan. Ingat ingat ng konti. Kasi kahinaan din yan.


Ayun lamang. Ako? Lovelife ko? Masaya ako sa lovelife ko ngayon. Masaya ako, masaya sya. pero hindi ko alam kung masaya kami. K? :) 

(Source: dhel)

Permalink

Bakasyon na pala? Sigurado ka? San ka pupunta?

So opo. Nagsimula na ang bakasyon at ang pinakginagawa ng mga tao bukod sa paghilata sa kama dahil sa bakasyon eh magpunta sa iba’t ibang lugar. Kadalasan, pag sinabi mong bakasyon sa Pilipinas ang una mong maiisip ay “Boracay”. May mga iba na “Baguio” at may iba naman na “Cebu”. Pero sa totoo lang may mga lugar pa na magandang puntahan dito sa Pilipinas na minsan eh hindi natin naiisip na “Uy. pwede nga dito ah”. Sige. Try nating magbigay ng mga halimbawa.

  • Romblon - Ang pinakasikat na lugar sa pilipinas pag sinabi mong “Marble”, well, hindi ung jolen na nilalaro ng mga bata (Although hindi talaga ako sure kung gawa ba talaga yun sa Marble) pero sikat ang lugar na ito sa marmol. Bukod dun, may natatanging ganda ang romblon. Ang isa dun ay ang Busay Falls, sa San Fernando, Romblon. Isa sa mga hindi pa nagagalw oh “Virgin Falls” ng Pilipinas. At Bukod dun andyan pa ang pinagmamalaki nilang “Mahana Beach” sa may Corcuera Romblon. Na may white sand beach tulad ng Bora.
  • Davao Oriental - Isa sa mga gusto kong puntahan na lugar sa pinas. Bakit? Dahil dito lang namn makikita ang Dinosaur Island. Pero don’t worry walang dino dun. Ako lang ang magiging dino dun kung saka sakaling magpunta ako dun. Pati ang sunset sa Pujada Bay. Saya lang.
  • Baler, Aurora - Hindi ito yung Baller ah. Baler. Yung lugar na pinagshootingan ng movie nila Ann at Echo (tama ba?). Duon. Ang pinagmamalaki nila doon ay ang mga untouched beaches nila at ang Sabang Beach nila dun na napakaganda.
  • Camsur! o Camarines Sur - Wag kayong magalala, hindi Calamares ang basa dyan kundi Camarines. Dyan nagaaya ang mga kabarkada ko ngayon. :| Pero wala akong pera pangpunta. Sikat dito sa lugar na ito ang Caramoan na lugar for Bird Watchers at may mga beaches na pwedeng puntahan.

Nakakadisappoint lang dahil may mga lugar sa Pilipinas na pwede nating pagmalaki at mabigyan ng pansin ngunit ang nakikita lang natin eh ang mga common tourist destinations dito. Kaya sa susunod na magiisip kayo ng outing. Consider these places. :) At ang iba pang mga lugar sa Pilipinas na pwede nating puntahan, Dahil marami pang natatagong ganda ang Pilipinas. Kung susubukan lang nating maggoogle, este maghanap.

Ano san na kayo magsusummer? Ako dito muna sa bahay. Magiipon muna, bago umalis. La pera eh. Pero ang bet ko ay sa Caramoan, Camarines Sur. Tutal dun ang napagusapan. :)

Ang ibang impormasyon ay nanggaling sa en.wikipilipinas.org

(Source: dhel)

Permalink

Kung kabarkada kita. Ano ka?

Marahil e lahat naman tayo ay mayroong mga kaibigan. Dyus ko, e kung wala kang kaibigan eh kawawa ka naman at maghanap hanap ka muna bago mo basahin to. Pero hindi nga, Sabi nga sa kasabihan eh “No man is an island”. Kung sino man ang nagsabi nyan eh marapat lang na sya ay parangalan. Pero sa mga kaibigan natin eh hindi maiiwasan na magkaroon tayo ng mga grupo na tinatawag nating Barkada(Kung sosyal ka, “Peers”). Pero bawat tao sa isang barkada eh may mga natatanging kaugalian na kadalasan ay mapapansin mo sa kanila.

  • The Strongest Link - May kaibigan kang nagiging link para maging kaibigan(at minsan ka-ibigan) ang isang tao. Sya na talaga ang maraming kakilala. Pero kadalasan dahil sa kanya eh lalong lumalaki ang barkada at lalo kayong nagiging masaya/magulo.
  • Anak ni Mayor - May mga kaibigan naman na sabihin na nating pinagpala. At by that I mean mayaman. Na minsan, eh parang nagiging anak na sya ng mayor at nililibre na ang kung ano man ang gastos nyo, or kung hindi man eh kakikitaan mo ng mga luhong kahit ikaw eh gugustuhin mo.
  • Librarian - Meron namang mga tao sa barkada nyo na mukhang pandora’s box. ang daming laman. In short. Ang daming alam. Hindi mo alam kung sang lupalop nya nakuha ang utak nya at kadalasan pag mga impormasyong masakit sa ulo e sya ang unang una nyong maiisip.
  • Newspaper - Kung meron namang madaming alam sa kung ano anong bagay, meron namang maraming alam sa buong barkada. Parang banko sya ng mga sikreto ng mga tao sa Barkada nyo. Dahil kadalasan sa kanya nagtitiwalang magsabi ang buong grupo. Na mukhang katiwa tiwala at mukhang marunong magtago ng sikreto.
  • SumeCelebrity - Meron namang mga kabarkada tayo na minsan eh nagiging Icon na ng barkada. Sikat. May itsura, Ay lahat pala may itsura. Oo na sige na sila na ang Gwapo/Maganda! Hahah. Oo yung mga ganun. Syempre Sila ang kadalasang pamato nyo. Na sa tuwing babanggitin ang barkada nyo ay laging may magsasabing “Diba friend nyo si *insertnamehere*.”
  • Imma-Slave-For-You - Meron namang minsang nagiging Imma-Slave-For-You na friend na Oo nalang ng Oo at ngiti nalang ng ngiti. Kahit Inaasar asar lang eh Okay lang. Minsan sya ang nagiging takbuhan ng mga kaibigan mong Outgoing. pasama sa ganito pasama sa ganyan.
  • Joker - Kung may inaasar eh meron namang nangaasar. Mapang-asar, ang nagiging crayola ng grupo. Na bukod sa pangaasar eh taga joke ng barkada. Kadalasan ang tahimik nyo pag wala sya.
  • Meron namang mga Outgoing at Indianero. Syempre yung outgoing sila parati ung magsasabi “Tara! Punta tayo sa *insert-location-here*. At yung mga Indianero. Pramis ng pramis na andun pero pag nagkita na eh sya pa ang wala.
  • Mr./Ms. President - Minsan, meron namng busy-busyhan. Na hindi masyadong makasama pag aalis ang barkada. May meeting, seminar, pasok, activity, reunion, lahat na ata nadahilan nya na. Ewan ko lang kung madahilan nya ang libing nung napulot nyang Sisiw sa kalye ah.
  • Magnets - May mga kaibigan naman tayo na parang Magnet. nagiging Impluwensya ng barkada. May Good Influence na magsasabing “Wagggg kangg Iiiiinoooommmmm”. or “Badddd Yaaaannnnn”. At meron namang Bad Influence na “Tara Inom, Tara Yosi” ang favorite speech.
  • Closest Friend - At syempre andito yung pinakaclose mo na kaibigan, Ang taong kadalasan eh hindi mo inaasahang magiging pinakamalapit mo sa kanila. ang tanong nasasabihan mo ng mga hinaing mo sa buhay gaya ng Ayaw taasan ng nanay mo ang allowance nyo o Pinahiya ka nanaman ng prof mo. Handa syang makinig at handa syang magpayo. Pero minsan, pag di natin sya kailangan, nalilimutan natin sya. :( May mga ganung times. Aminin nyo!

Actually, mahaba pa to. Gusto nyong dire direchuhin ko to? Pero kadalsan ang kabarkada mong ito. Sila ang magiging sandalan mo lalo na kapag ang problema mo ay grabe. Bukod sa family syempre. Sila ang 70% ng dahilan ng iyong pagunlad/pagkapariwara. Sila ang nagiging Cheerleader nyo. At syempre. Sila din ang tinuturing mong pangalawang pamilya mo na Minsan pag nagsermon eh mas grabe pa sa Lola nyo. Sabi ng isa pang quote “Tell me who your friends are and I’ll tell you who you are”. Pero paano pag ang friend mo halo halo? Edi halo halo na din ang ugali mo? Yes? No? Ah Ewan.

(Source: dhel)

Permalink

What’s with my name?

Nasa org meeting ako nung monday ng magpakilala ako sa mga tao dun sa Meeting.
“Hey I’m *insert my full name here*, The Director for Creative Communication. Nice meeting you. Just call me Dhel.”. 

May biglang bumulong. “Diba pangalan ng Fabric Conditioner yun?”.

Ayan ang madalas na misinterpretation sa pangalan ko. Pero minsan sinasabi din nila na “Diba pangalan ng Computer yun? (DELL)”. Pero hindi ganon kadalas kasi hindi naman lahat diba.

Naalala ko pa nung uso pa yung commercial ng Del na “to del or not to del” at yung “ang bango bango, ang bango ng del”. na laging kinakanta ng mga high school friends ko dati.

Ah Okay. Actually. Hindi lang naman Dhel ang pangalan ko. Pero mas prefer ko na tawagin akong Dhel kesa dun sa isa ko pang pangalan. Dahil yung pangalan na un eh kadalasang tinatawag sakin ng mga kamaganak ko, pati ng crush ko. Hahah. Sya lang talaga ang pinayagan kong tawagin akong ganun. 

At ang pangalan ko ay nagorginate ng mauhaw ang nanay ko. Kasi nung nauhaw sya ay kumuha sya ng “del monte” na pineapple juice sa ref naming “kelvinator”. kaya ngayon ang first name ko ay….. 


P.S. Hindi ako nagsisinungaling o nagbibiro sa pinagmulan ng pangalan ko. Okay? 

(Source: dhel)